random thoughts

Magshe-share lang ako ng top 3 scenes sa buhay ko kung saan di ko inexpect na “ganoon” ang magiging reaction ko. Na-realize ko  na may mga hindi pa ako nadidiscover sa ugali ko  at nalaman ko lang yun  at some scenarios. So ayon nag-try ako magcompile sa utak ko ng mga unexpected attitudes/ reactions ko. My ghad pati ako nashookt after nangyari ang bawat isa, haha.

  1. Si Kuyang Joker

Nasa bus na ako noon galing school (G-Liner). Inis ako kasi maaga dismissal! Sayangna nga tution (3 hour class to), rush hour pa ako pinauwi. 7 pm ata or something. Anyway as expected, tayuan na. Nakaharap ako sa  bintana, as usual, tas ganon rin ung second line na nasa isle. In short magkatalikod ung mga pasaherong nakatayo.

Nagbayad ako kay kuyang kundoktor.

“Kuya Lifehomes po, estudyante.”

Eh joker ata si kuya tinanong kung nang-aaral nang mabuti. First time ko makarinig ng joke na ganun so medyo inis ako, di ako sumagot. Poker face lang kasi sabi ko sa sarili ko “bakit pag hindi ba, wala akong discount? Wala sa batas yon.”

Maya maya may hagikhikan sa likod ko, ung opposite ko sa isle. Aba mga kabatch ko, naka civilian ewan ko san nag-aaral. Diba sabi ko poker face ako kanina? Tinanong ako uli ng kundoktor, ang kulit eh.

“Nag-aaral nang mabuti?”

Pigil pa ako kaso walang anu ano sumatsat tong nasa likod ko.

“Hindi. Nag-cutting!”  [insert hagikhikan]

Ayon. Diba kainis. Magagalit na ako sa kundoktor kaso kinuha nila ng galit ko eh. Pagkasabi talaga nila non lingon ako nang masama sa kanila. Nanlisik ung mata ko, sobra. Nakakainsulto ung sinabihan ako na nagcucutting. Aba bastos yun ah? Sa isip isip ko:

  • Valedictorian ako mula kinder hanggang elementary at high school
  • Scholar ako ng iba’t ibang universities
  • May 50+ akong medals
  • May certificates ako of achievement na pwede nang ibenta sa junkshop

Tas sasabihan mo nagcucutting ako?

Kita ng kundoktor galit ko eh. Sabi niya kasi:

“Hala kayo nagalit”

Sabi ko sa sarili ko ikaw kasi inumpisahan mo.

Narinig ko naman na sabi ng kuya joke lang. Pero oh my gosh ang hirap ng ganyan sakin. The damage has been done, ika nga nila. Haha.

Nainsulto talaga ako doon. Inis ako, hanggang makarating ako ng lifehomes nakasimangot lang ako (V. Mapa to nangyari). Tapos naisip ko pa, tingin siguro nila ay lahat ng estudyante ay tamad, bobo whatever.

Mag joke na kayo wag lang sakin, omg. Malay ko ba na mabilis ako ma gg pag dignidad at reputasyon na pinag-uusapan. Saka hello, di ko siya kilala, di niya ako kilala, kaya wag siyang magsalita diyan as if nagkrus na ang landas namin. U don’t know me.

 

  1. Galawan ni Kuya

Umattend ako sa isang formal event tas may kasama kong girl. Si ate girl may nameet na bagong friend niya, who is katabi niya lang ng upuan(two seats away ako kay girl, sa isang round table). Itago natin yung bagong friend niya sa pangalang Jerry.

Okay naman si Jerry. Naooverhear ko usapan nila at mukhang may pangarap naman siya sa buhay. May work na rin so ayon. Sumesweldo na, haha. Kaso lang dinig ko rin sa boses niya yung kadesperadahan na magka jowa na. Oo nairinig yon. Sinabi ata ng kasama kong girl na single siya.

All throughout the event nag-uusap lang sila. Ako, as the usual me, ay patiently nakikinig sa program pero siyempre bilang may bahaging manunulat ay nakikichika rin sa nagaganap sa kanila. Yun nga ung narinig ko. Puro exchange ng basic details at a little bit of flirting.

Natapos ung program. Alam mo ung galaw ng tao kapag iiwan na siya ng tao na gusto niya pa sana makasama? Ayon kung anu ano na pinagsasabi ni Jerry kay girl. Hanggang sa nagjoke siya, tumawa ung friend ko, tas si Jerry tinouch si girl sa kamay.

In short, he flirted her. Physically.

Ewan ko ba paano nangyari pero bigla ko nalang sinabi:

“Oh ano yan, feeling mo close na kayo?”

Shookt siya! Alam ko nag follow up pa ako ng statement na kanina lang kayo nagkita may pahawak hawak ka na diyan.

Jusko. Natatandaan kong nag-sorry siya. After kong sigawan siya, sinabi ko naman ata ng joke lang.

Sorry Jerry haha. Di ko alam paano nangyari yon pero di kita pinipigilan ligawan si girl.

 

  1. Jealous Girl

Yung friend ko na si Tracey ay inasar bigla kay Luke. Paano ba naman kasi, sabi ni Luke:

“Si Tracey lagi kaming nagkikita niyan sa Lawton eh! (incidental)”

Nag yiee kaming lahat na nasa kwarto. Eh kaso si Tracey ata ayaw maasar kay Luke. Sabi niya tuloy:

“Bakit nagkikita rin naman kami ni Matthew sa school ah!”

Ka schoolmate niya kasi si Matthew. Eh kaso si Matthew, sa akin. I mean may something kami sa magkakaibigan na basta ako naka-pair kay Matthew or something. Na walang gagalaw sa partnership na yon. In a way trip na naming mag-actingan na sweetie pies kami, ganon. Pero acting lang po talaga legit.

Eh kaso after niya magsalita, lahat ng tingin napunta sakin! Ano kayang sasabihin ko? Lahat nag- aabang. Pero etong sinabi ko, hindi pinlano to. Bigla lang talaga lumabas sa bibig ko.

“ANONG PROBLEMA MO?!” [irap] “Inaano ka ba?”

Nakakaloka kasi with conviction and attitude yung pagkasabi ko. Kala mo inagawan si ate gurl! Nakakahiya nga, nung naghiwa-hiwalay na kami sinabi ni Tracey sakin na joke lang yung sinabi niya kanina.

Nahihiya ako. Siguro talagang parang totoo ung acting ko! Actually di ko na alam kung acting lang yon, ahaha! Pero jusq. Naririnig ko pa rin boses at tone ko nung sinabi ko yun. Napakamaldita haha.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s