life, random thoughts

How I ended up in UST

I am forever grateful that I became a Thomasian.

Naniniwala ba kayo sa Lord’s plan? Ako kasi, oo, and He really gives what is right for you. Kailangan mo lang din magtiwala at makiramdam, hehe.

Truth to be told, bago mag-college eh wala naman talaga sa target schools ko yung UST. Like, hello, it is UST. Back then, pangarap lang siya. Something na di ko maaabot kasi wala naman akong pera saka pang allowance lang talaga yung nag-iisa kong scholarship noon.

Pero, ang extra ko pa rin kahit alam ko na pangarap lang siya. Pano kasi, nag entrance exam pa rin ako. Pinatulan ko na rin kasi libre lang naman, thanks sa pagiging honor student ko. Saka naisip ko rin nun, since di naman ako makakapag-aral dito, pa-experience nalang ng classroom at grounds kahit isang araw lang haha.

After exam ko sa Roque Ruano (eng’g building), diretso uwi na kami ni mama. Pero binabagalan ko talaga lakad nun. Minsan lang naman, sabi ko. Baka nga once lang. Nakita ko yung main building at ang amazing din talaga kasi para akong nasa village. Ang saya pakinggan ng tolerable na daldalan sa lover’s lane, saka sobrang saya nung feeling na parang autumn kasi may nagfafall na yellow leaves or flower petals sa akin. Sobrang nainngit ako sa mga estudyanteng naglalakad noon kasi ang swerte nila. Kaya nila mag-aral sa private and catholic university, huhu matagal ko nang panagarap yon. Doon ko narealize na may mga tao talagang fortunate at hindi, kagaya ko. Yung kahit gusto mo, wala kang magagawa so manahimik ka nalang.

Pero alam niyo, ever since tumapak ako sa UST with the warm atmosphere pa, I knew that it is my home. I knew that it is somewhere I belong. I swear naย  hindi ko iyon na feel sa ibang universities na napasukan ko.

I let the minor separation anxiety fade in the next months. Nag exam na rin ako sa PUP since doon naman talaga ako destined, diba. A state university for students na may ilalaban sa talino pero sa financial pass muna. During that preparation , dumating din yung announcement na I passed USTET. Inexpect ko yun, hehe, pero ang sakit din pala. Alam mo kasing pwede ka pero hindi mo kaya.

Pero there’s something inside me saying na go lang. I kind of nagpahiwatig kay mama, asking if paano yung 5k reservation fee. Sobrang laking amount nun para sa isang public high school student kaya sobra din ako nag-isip. Bakit kailangan namin magtapon ng 5k sa UST kung di naman ako tutuloy? I really said na wag nalang siguro. Pero for some reason, God made an intervention. The day before final reservation, namention yun ng nanay ko sa pinsan ko. My supportive cousin said na we should pay for it so she lend my mom 5k kasi kahit si mama walang cash to give. Okay, yes, it was valentine’s day sa UST and mom was able to pay for my slot. I only heard this good news after the day. I was happy, if I’m not mistaken. Pero part of me is nanghihinayang din kasi nga I knew I will be studying in PUP.

Pero guess what. God made another intervention.

Our academic year comes to close so announcement na ng honors. Sobrang hindi kami sure sino ang valedictorian kasi alam ko na we three deserve it – – we are great in our own ways. Ako naman, sabi ko, okay na ako basta makasama sa rank 3 kasi that’s my expectation. Pero surprisingly talaga, it was I who was awarded with highest honors. Right after the announcement and babalik na sa court for graduation practice, doon ko na-realize na shet pwede na ako sa UST. I mean, I have a chance! Nabasa ko sa folder nung USTET na they welcome valedictorians as scholars who will be given 100% defrayal of total fees.

Sobrang nakakakilig kaya! So ang ginawa ko, sabay kong inasikaso yung UST saka PUP enrollment. Actually nauna yung UST tapos nagtake na rin ako ng scholarship exam. Totoong mas mahirap siya sa USTET, pero siyempre nilaban ko yun. Ang saya kasi binalita sakin ng Arki friend ko na kasama daw ako sa qualifiers na nakapost sa website ng OFAD. Ayun na yon, I said. Ilalaban ko na to. Sabi rin ng ate ko, binigyan na nga ako ng opportunity so why not take it? Andyan naman na ako. I just have to take the risk, and I am thankful na ang tapang ko nung time na yun.

Kasi ganto mangyayari eh: pag bumaba sa 1. 75 Sem ave ko, baka umalis na ako ng UST. Kasi hindi ko na kaya bayaran yung 50k TF sa Journ, kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng scholarship grants sa akin. So karugtong ng pag-alis mo sa school eh depression kasi andyan na yung fear na maririnig mo pinaguusapan ka nila. Na I failed na panindigan ung UST journey ko tas sa iba rin pala bagsak ko. Another risk is yung mahihirapan talaga ako sa pera. Hindi kasi yan automatic 100% just because scholar-valedictorian ka. May bracket yan, at pag mapupunta ako lagi sa third which is 50% off lang, magkakautang utang talaga ako. Fortunately, once lang ako na-50% pero masakit pa rin yun habang nagsususlat ako sa check. Lahat ng sem, naging magna level yung sem ave ko so ayun na-manage ko siyang bayaran gamit din yung scholarship ko from other institutions/organizations.

Pressured ako every sem, at grabe talaga yung dasal, kaba, and anxiety ko tuwing lalabas yung grades sa MyUste. Para akong aatakihin sa puso o hihimatayin, legit to. Kasi kung ano mang makita ko, yun ang magdidikta sa life ko. May gratitude letter pa ba akong ipapasa next sem kay Rector? Ayan din yung concern ko.

And here I am, finally. I already exited the arch of the centuries. I don’t know pero feeling ko iba yung fulfillment na nararamdaman ko kaysa sa ibang estudyante. It’s a real battle kasi lahat ata ng aspect na-challenge ako. My story is not just about the passing or failing in acads. Umabot ako sa part na it’s a matter of staying in the university or not, based on my skills and ability to handle my financial issues correctly. It’s a challenge of courage, determination, and a test of my faith in myself. I’m glad that I believed and I never said never, hehe, because if I did hindi ako makaka-graduate dito.

God made a way para matapos ang course ko sa UST. He lead me in this school for a lot of reasons, and there are just too many to mention.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s