life, random thoughts

5 things I’ll always miss as a Thomasian

I think it’s my last event sa UST and for some reason teary-eyed na naman ako pag-uwi. I don’t know, ganun ata talaga yung feels pag graduate ka na. Although you know na you’re at home, may feels ka rin na alien ka cause hindi ka na legit na student. Anyway, I just listed thiese five things na I’ll always rememeber as a Thomasian (probably what made me nostalgic as well kanina).

 

1. Bustillos Street

I use the LRT line 2 kaya lagi akong nadadaan sa Bustillos street. Wala akong namimiss masyado on my way to school kasi naka tricyle naman ako, pero nakakamiss nang sobra ung paglakad ko doon pag uwi na. I’d like to emphasize yung late night walks namin nina Noelle, Saguid and one time pati sila Angge at Ate Dannah. Sobrang nakakamiss yung tsismisan namin, mga thoughts sa buhay, saka paglabas ng sama ng loob after the day. Every time na naglalakad ako doon, hindi ako napapagod kasi may mga sensible people akong kasama to whom I can relate with. Magugulat nalang kami nasa MCDO na pala kami haha.

 

2. Legarda bus stop

Okay, extension lang from Bustillos eh yung bus stop ko sa Legarda. Siguro ilang beses kasi ako nagwewait dun kaya namiss ko rin. Minsan pag galing akong Recto tas natitigil yung bus doon, naiimagine ko na ako yung umaakyat huhu. Anyway masaya kasi diyan na ako sumasakay nun, hindi pa tinatayo yung Jollibee. Masaya rin yung rides ko sa bus kasi doon ako nakakapagreflect, nakakatulog saka minsan nakakapakinig ng music. Ay teka dito rin pala ako minsan nakakatabi sa pogi hahahha.

 

3. AB classrooms

Kahit feeling ko na malamok lagi sa loob ng classrooms, mamimimiss ko pa rin yun kasi siyempre kwarto ko yan for 4 years. Kahit naaalala ko yung kaba ko everytime na darating yung prof, okay lang sakin kasi nasanay na ako sa ganung buhay. Yung platform din may something sakin kasi bago ako magreport ciniclick ko talaga doon yung heels ko to feel na moment ko na saka nakaka-add din ng confidence hehe. May memories din ako sa LRU kasi doon ako unang nagkanight class. During the first meetings, lagi akong nakatingin sa bintana saying to myself na nag-aaral ako habang 24 oras/TV Patrol na sa bahay. Huhu, pero ayon I learned how to love night classes nung naisip ko may reason ako magred lipstick. Haha joke.

 

4. Miguel de Benavides Library

I’ve never been to many libraries pero feel ko palaban talaga yung Benavides namin. Super laki, ang ganda ng archives, saka sobrang conducive para mag-aral ka. Sobrang mamimiss ko to kasi favorite ko talaga manghiram ng books for subject na walang books or di ko maintindihan. Shoutout pala sa Logic saka Ethical systems hahaha. Pero hindi yun burden sa akin, I find joy pa nga. Saka siyempre sobrang love love love sa Religion section kasi at home talaga ako diyan. Doon sa area na violet na yung sahig (tama ba ako), sakto lang yung temperature doon kaya may times na nakatulog na ako doon during the 3- hourbreak. Masaya rin kasi I am surrounded by Religious books, nakapagbasa pa nga ako ng Bible noon. Sayang lang marami pa akong hindi na-explore.

 

5. Unplanned Sta. Mesa trips

Kanina medyo sad kasi wala akong kasama pauwi, when most of the time kaharutan ko si Noelle tas magjojoke kami na mag SM Sta. Mesa kami. Yun kasi ung pasyalan namin kasi madadaanan namin siya pauwi unlike San Lazaro. Anyway ayon minsan totoo minsan hanggang yayaan lang haha basta pupunta kami doon para mag unwind. Madalas, nangyayari to pag kakatapos lang ng mahirap na exam or report or may pinasang paper. Basta pag feel namin na deserve namin, G kami. Maganda rin pala Booksale doon saka oo nga pala ang hilig ko lang mangyaya minsan wala naman talaga akong dalang pera kasi sakto lang dinadala ko haha (4th year na ako nagbagong-buhay).

 

 

So yun, it’s so sad na parang hindi ko na sila maeexperience or madadaanan uli. Kahit ulitin natin, hindi naman na yun like the old times. Pero I’m still happyย  kasi alam ko na inenjoy ko naman yung college life. Sana lang mas narealize ko earlier how to live and treasure every single moment, kasi hindi na pala yun mangyayari ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s